AM15

©TNTPH.com

Siguradong mas madali nang masusundan ng mga superfans ang bawat galaw ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza gamit ang pinakabagong promo ng TNT – ang Alden &  Maine Load o AM15.

Isang panalong combo ng text, tawag at mobile Internet, handog ng AM15 ang Unlitext to all networks; 60 minuto ng tawag sa TNT, Smart at Sun; at 100MB na magagamit para sa mga apps tulad ng Facebook, Viber, Twitter, Clash of Clans, Dubsmash, at marami pang iba – valid sa isang araw sa halagang P15 lang. Para ma-enjoy ang bagong promo, i-text lang ang AM15 sa 4545.

Gamit ang AM15, mas madali nang i-follow at i-share ang instant updates nina Alden at Maine sa iba’t-ibang social media sites sa buong araw. Pwede ring makibalita sa mga katropa at kapwa superfans dahil sa unlitext sa lahat ng network, o kaya naman tumawag gamit ang 60 minutes ng TriNet calls para mas panalo ang kwentuhan ng iyong superfan moments.

Milyun-milyong superfans at followers

“Panalong promo ang AM15 lalo na para sa aming mgasuperfans dahil bukod sa text at tawag, may 100MB rin na magagamit para masundan ang aming FB, Twitter o Instagram updates sa buong araw,” saad ni Alden, na ngayon ay may milyun-milyong followers sa Twitter, Facebook at Instagram.

“Gamit ang AM15, mas mapapalapit pa kami sa lahat ng TNT Katropa  kahit wala kami sa harap ng camera lalo na’t very active kami sa social media para personal naming silang nababalitaan at napapasalamatan,” saad naman ni Maine, milyun-milyon din ang followers sa Twitter, Instagram at official Facebook Fan Page nito.  

“Kaya kung tunay kang Aldub superfan, dapat mag-TNT na!” dagdag ni Maine.

TNT Super Panalo Day sa MOA Arena sa Feb. 26

Kasabay ng paglunsad ng bagong promo, inanunsiyo din ng TNT ang “TNT Super Panalo Day,” isang malaking show para sa mga Katropa na pangungunahan ni  Robin Padilla at ibang mga TNT endorsers tulad nina Alden at Maine sa Mall of Asia Arena sa Feb. 26, Biyernes simula 7 p.m.

Walang patid na ligaya at super panalo moments sa pamamagitan ng iba’t-ibang games, performances at iba pang sorpresa ang handog ng TNT sa Super Panalo Day. Upang makakuha ng tiket, kailangan lamang maging TNT subscriber at mag-load ng TNT promos sa designated booth sa Smart Tower lobby, 6799 Ayala Avenue, Makati City simula Feb. 15. Bukas ang TNT booth araw-araw mula 10 a.m hanggang 5 p.m. lamang.

Wag pahuhuli sa mga panalong promo at updates mula sa TNT! i-follow ang official TNT accounts sa Facebook (www.facebook.com/TalkNText) at Twitter (@TalkNText).

Media Relations Contacts: 

Francis Christian Lubag
Senior Account Manager
Dominguez Marketing Communications Inc.
E-mail: francis.lubag@dominguez.com.ph
Direct Line: 897-7088 ext 105

Mel Dominguez
President and CEO
Dominguez Marketing Communications, Inc.
Email: mel.dominguez@dominguez.com.ph